Sunday, September 7, 2014

BUWAN NG WIKA


                       "Ating Tangkilikin Ang Sariling Atin"

Ilocano , Espanyol Ingles at iba pa. Lahat tayo may kanya-kanyang wika. Kaya naman naimbento ang wikang Filipino.

Ang Wikang Filipino ang pinakatangi-tangi sa lahat  ng wika dito sa ating bansang Pilipinas. Karaniwang ginagamit ng mga nasa lungsod ng Maynila ang wikang ito.Ngunit sa panahon ngayon, ginagamit na ang Wikang Filipino saan mang sulok ng Pilipinas at pati na din sa ibang mga bansa. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit um uunlad ang ating bansa.Kung hindi dahil dito, hindi tayo magkakaintindihan. Katulad na lang sa pagnenegosyo. Kung hindi iisa ang ginagamit nating wika, hindi tayo magkakaintindihan. Hindi tayo makakapag-usap ng maayos.

Karamihan din sa mga dayuhan ay inaaral ang wikang Filipino ang pinakamagandang wikang kanilang natutunan.

Hindi natin maikakailang malaki ang naitulong sa atin ng Wikang Filipino kaya naman ating tangkilikin ang sariling atin. Tayo'y magkaisa sa ikauunlad ng ating bansa.

No comments:

Post a Comment